Wanted na miyembro ng NPA, naaresto sa Kalinga

Dinakip ng mga otoridad ang isang wanted na kasapi ng rebeldeng NPA dahil sa kasong murder sa Sitio Pococ, Barangay Apata, Pinukpuk, Kalinga.


Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Capt. Rigor Pamittan, Chief DPAO ng 5th Infantry Division, ang arestado ay kinilalang si Martin Betay Gamay.


Isinagawa ang naturang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Kalinga Police Provincial Office at mga kasapi ng 50th Infantry Batallion.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts


Nalaman ang presensya nito sa pamamagitan ng impormasyon na ibinigay ng isang concerned citizen kaya naman isinilbi ang warrant of arrest laban sa naturang rebelde.


Ayon kay Capt. Pamittan, si Martin ay miyembro ng squad dos ng Kilusang Larangan Guerilla ng Baggas Ilocos-Cordillera Regional Party Committee at top 12 wanted sa lalawigan ng Kalinga.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City


Isa umano ito sa mga nakasagupa ng mga kasundaluhan noong January 2018 sa bahagi ng Balbalan kung saan nasawi ang dalawang sundalo at ikinasugat ng dalawang tropa dahilan upang sampahan kaso murder ang mga ito.


Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng Pinukpuk Police Station ang naarestong rebelde.