Walo sa 25 pulis na nagpositibo sa confirmatory drug test—sinibak na

Walong pulis ang inalis na sa serbisyo matapos magpositibo sa confirmatory drug test.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, mula sa dalawmapu’t limang pulis na nagpositibo sa confirmatory drug test ngayong taon, walo na ang inalis sa serbisyo.

Read More:  BCDA assures assistance, support for residents affected by Pax Silica AI Hub

Isa naman ang nagresign sa serbisyo habang ang iba pa ay patuloy na gumugulong ang kaso laban sa kanila.

Read More:  LPG prices may still rise despite excise tax suspension

Paliwanag ni Fajardo, dahil naalis na sa serbisyo, hindi na makatatanggap ng benepisyo ang walong pulis.