Dismissed pulis na nagkasa ng baril sa siklista – nanindigang ‘biktima’ rin siya sa viral incident

‘Biktima rin ako rito, nawalan ako ng trabaho’.

Ito ang idiniin ni Wilfredo Gonzales – ang nasibak na pulis na maaalalang nag-viral matapos kasahan ng baril ang isang siklista sa viral na road rage incident sa Quezon City.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Sa pagdinig ng Senado – sinabi ni Gonzales na dahil daw sa viral incident, nawalan siya ng trabaho sa Korte Suprema.

Pinanindigan din ni Gonzales na mayroon umanong gloves ang siklistang si Allan Bandiola nang hampasin nito ang kaniyang sasakyan – taliwas naman sa nakita sa viral video.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Pinabulaanan naman ni Bandiola ang paratang ng nasibak na pulis at sinabing kinatok niya lamang nang bahagya ang kotse ni Gonzales dahil sumalubong na ito sa kaniyang lane.