NAGA CITY- Bumuhos ang pakikiramay sa 17-anyos na si Roselle Bandojo, ang Senior High School Student na ilang araw nawala at natagpuan na lamang na patay na sa isang abandonadong lote sa Naga City.
Kahapon, ginanap ang WALK FOR JUSTICE na pinangunahan ng Camarines Sur National High School Alumni Association matapos ang vigil sa CamHigh Liboton Annex. Dala ang panangalin , naglakad sila mula sa nasabing paaralan, huminto sa kung saan nakuha ang bangkay at nag-alay ng panalangin nasundan ng pagsindi rin ng kandila at naglakad papunta sa punerarya kung saan naroroon ang mga abo ng dalagita.
Sinabi sa Brigada News FM Naga CamHigh Principal Dr. Sulpicio Alferez III , kahit na ang mga alumni na nasa ibang bansa na ay ikinalulungkot ang pangyayari sa kanilang estudyante, may mga nagpadala rin ng tulong para sa pamilya.
Samantala, sinabi nitong patuloy nilang palalakasin ang ugnayan sa mga barangay at police station para sa seguridad ng mga estudyante sa labas ng paaralan.