Mga kunsomidores ng CANORECO sasalubungin muli ng pagbaba ng bayarin sa kuryente ngayong agosto

CAMARINES NORTE – Sasalubungin muli ng pagbaba ng bayarin sa kuryente ang mga kunsomidores ng Camarines Norte Electric Cooperative ngayong Agosto. Ito ay dahil sa pagbaba naman ng rates na babayaran para sa July 2023 billing.

Batay sa anunisyo ng Canoreco nitong Martes, August 1, bumaba ng Php1.8551 per kWh ang bayarin ng mga kunsomidores.

Ang residential rate ay Php10.8588 per kWh na lamang kumpara sa Php12.7139 per kWh noong nakaraang June 2023 billing. Ang low voltage rate ay Php9.9053 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php8.6069 per kWh.

Dahil sa pagbaba ng billing rate na babayaran ngayong August 2023 para sa mga konsumo sa kuryente ng July 2023, mababawasan ng Php185.51 ang kabuuang bayarin ng isang tipikal na sambahayan na nagkokonsumo ng 100kWh.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Nasa Php371.02  ang matitipid ng mga kumukunsumo ng 200kWh at Php556.53 sa kumukunsumo ng 300kWh.

Paliwanag ng naturang kooperatiba ng kuryente, bumaba ang Generation System Charge na resulta ng mas mababang Blended Generation Rate dahil sa mas mababang Fuel Cost na binayaran sa  Power Supplier na Therma Luzon, Inc. (TLI) para sa supply month ng June 2023.

Bumaba rin ang average rate sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ng Php2.6501 per kWh dahil ang average na demand sa merkado ay bumaba ng 3-5% sa pagsisimula ng tag-ulan.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Nagpababa rin sa charge ang pagpapatupad ng ERC Resolution No. 14, Series of 2022 kung saan ang mga distribution utilities, tulad ng Canoreco, ay magsasaayos ng mga presyo/pass-through na mga singil nito.

Para sa January 2023 hanggang May 2023, period ang CANORECO ay may naipon na over-recovery na nagkakahalaga ng  mahigit Php66 milyon  o 11. 77%na lumampas sa 10% na threshold.

Bilang pagsunod sa Article 5 ng nabanggit na ERC Resolution, obligado ang Canoreco na ipatupad ang refund o collect scheme ng kabuuang net over-recoveries  sa July 2023 billing.