Walang Pilipinong kabilang sa mga namatay sa banggaan ng 2 tren sa Greece

Walang Pinoy na naiulat na kabilang sa mga namatay sa malalang banggaan sa pagitan ng dalawang tren sa Greece nitong linggo.

Sa isang pahayag,  sinabi ng tagapagsalita ng DFA na si Ma. Teresita Daza , patuloy ang isinagasagawang beripikasyon ng Embahada ng Pilipinas sa Athens kung mayroong mga pinoy na nadamay sa insidente.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ayon sa ulat, hindi bababa sa 38 katao ang nasawi at inaasahan pang tataas ang bilang na ito ayon sa mga awtoridad.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Mahigit 350 ang lulan ng pampasaherong tren nang bumangga ito sa isang freight train malapit sa lungsod ng Larissa at marami sa mga biktima ay pinaniniwalaang mga estudyanteng pauwi mula sa isang long holiday weekend.//CA