PH nakapag-detect ng karagdagang 121 na bagong kaso ng Omicron subvariants

Nakapag detect ng 121 na bagong kaso ng highly transmissible Omicron subvariants ang Department of Health.

Sa latest Covid-19 biosurveillance report , binanggit ng departamento na 122 samples ang na-sequence ng Research Institute for Tropical Medicine at ng University of the Philippines–Philippine Genome Center Mindanao mula February 20 hanggang February 24.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Sa kabuuang samples, humigit-kumulang 60 o 49.18 percent ang inuri bilang BA.2.3.20; 33 o 27.05 porsyento bilang XBB (kabilang ang tatlong kaso na inuri bilang XBB.1.5); walo o 6.56 percent bilang XBC; at 20 o 16.39 porsyento bilang iba pang mga  Omicron sublineages.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Lahat ng karagdagang kaso ng XBC ay mga lokal na kaso mula sa Region 4-B (Mimaropa), Davao Region at Soccsksargen.

Simula noong Feb 9, pinangalanan ng World Health Organization ang BA.2.75, BQ.1, BF.7, XBB, CH.1.1, XBB.1.5, at XBF bilang mga concern-subvariants na ngayon ay nasa ilalim ng kanilang monitoring.//CA