Kaso ng pananambang sa South Upi, naitala na naman

Isa ang patay at isa rin ang sugatan sa panibagong insidente ng pananambang kahapon sa Sitio Pumuguyon, Barangay Romongaob, South Upi Maguindanao Sur.


Sinabi ngayong umaga sa BRIGADA News FM Cotabato ni Police Captain Hussein Disumangcop, na ang biktimang nasawi ay nakilaang si Basir Saligan habang ang maybahay nito na nasa ospital na ay si Armia.

Read More:  10 dead in Malapatan, Sarangani landslide; two families buried


Nakasakay ng multicab ang mga biktima kasama ng apat na iba pa nang pagsapit sa lugar ay dito pinaulanan ng sunod-sunod na putok ng baril ng mga suspek na agad tumakas sa di natukoy na direksyon.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Inaalam na ng kapulisan kung ang pangyayari ay may kaugnayan sa unang insidente ng pananambang na ikinasawi ni South Upi Vice Mayor Roldan Benito at escort nito. (Jom Dimapalao)