Walang foul play sa pagkamatay ng 2 estudyante sa Taguig, suportado ng post-mortem exam

Suportado ng post mortem exam ang inilabas na findings ng Taguig City Police Station na walang foul play sa pagkamatay ng dalawang estudyante sa isang paaralan sa lungsod.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Ito ang sinabi ng Southern Police District kasabay ng pag himok sa ang publiko na iwasan ang mga espekulasyon na maaring magpalala sa sitwasyon ng mga naulilang pamilya.

Nagpaabot na rin sila ng pakikiramay sa pamilya ng dalawang estudyante.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Nauna nang umapela ang Department of Education sa publiko na igalang ang privacy ng pamilya ng dalawang estudyante sa panahon ng kanilang pagluluksa.