Mahigit isang libong indibidwal sa Camarines Norte nabakunahan kontra COVID- 19 sa huling tatlong araw ng Agosto

CAMARINES NORTE- Nabakunahan kontra COVID- 19 ang nasa 1, 096 na indibidwal sa lalawigan ng Camarines Norte sa huling tatlong araw ng Agosto.

Batay ito sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center as of September 1, 2022.

Noong Lunes, Agosto 29, holiday, ang bayan lang ng Daet ang nagbakuna na mayroong 66 na nabakunahan.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Pinakamarami ang nabakunahan noong Martes, Agosto 30 na mayroong 595 sa buong lalawigan, habang nitong Agosto 31 ay nasa 435.

Sa huling tatlong araw ng Agosto ay pinakamarami ang nabakunahan sa Mercedes na mayroong 314 na sinusundan ng Daet na may 213.

Habang ang Vinzons ay nakapagbakuna ng nasa 174, Labo 90, Capalonga 62, Basud 54, Jose Panganiban 49, Paracale 39, Sta Elena 34, San Lorenzo Ruiz 32, Talisay 24 at San Vicente na may 11.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa kabuuan umaabot na sa 81. 4 percent ng 434, 382 target population ang nabakunahan na kontra COVID- 19 sa lalawigan.

Patuloy ang ginagawang pagbabakuna ng iba’t- ibang LGU at dinadala na rin ang mga bakuna sa opisina, eskwelahan maging sa terminal para sa Pinaslakas campaign.