Wala nang biyahe patungo sa impyerno? Paalam na sa Bus route 666

Minsan mo na bang hinangad ang biyahe papuntang impyerno?

Isang lugar kasi sa Poland ang hinahangad na mapuntahan ng iilan dahil sa novelty appeal ng mga bus na 666 patungo sa bayan ng Hel.

Ito’y dahil sa tingin ng mga turista, bumagay ang pangalan ng bayan na katunog ng “Hell’ o impyerno maging ang numero ng bus.

Kung kaya’t sa mga taong nakapupunta dito ay talagang ipinagmamayabang nila ito sa iba dahil mistulang nakasakay daw umano sila sa biyahe patungong impyerno.

Ang bayan ng hell ay kilala bilang isang lugar na mayroong magagandang beach maging ang mga tanawin.

Ngunit, inanunsiyo kamakailan lang ng bus company na PKS Gdynia na hindi na umano magbabiyahe pa ang kanilang mga bus na may route number na 666.

Ito ay dahil sa inirereklamo ang numero ng bus ng mga taong relihiyoso sa lugar kung kaya napilitan ang mga operator na ihinto ang pagbiyahe nito.

Nagbunyi din ang mga relihiyosong tao sa pangyayaring ito ngunit taliwas naman ang ibang mga residente dahil sa parte na umano ng kanilang bayan ang bus na 666.|WENCY LISAY