Pinuri ni Vice President Sara Duterte ang unang State of the Nation Address ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung saan inihayag nito na ang nilalamn ng ulat ng pangulo at naglalayung maipagpatuloy ang gains ng administrasyon ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Mababatid na laman ng SONA ni Marcos ay ang kanyang mga plano para sa edukasyon, turismo, deployment ng overseas Filipino workers, public works at foreign policy.
Ayon kay Duterte, suportado niya at ng kanyang opisina ang inisyatibo na ipagpatuloy ang nagawa ng kanyang ama.
Dagdag ng pangalawang pangulo, na ang ulat sa bayan ni Marcos ay nagbigay ng “glimpse” sa mga Pilipino, sa kung anu ang inaasahan sa administrasyon, at mga paraan para matulungang makaabot ang development agenda nito at suportahan ang kanilang mga inisyatibo.
Nangako naman ito na makikipagtulungan sa pangulo, para maabot ang kanilang layunin, habang tinitiyak na ang interest at kapakanan ng mamamayang Pilipino ang prayuridad, higit sa anuman.
