VP Sara, pasado pa rin ang grado bilang DepEd Secretary – teachers’ group

Umapela ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa susunod na kalihim ng Department of Education na dapat ay hindi masasaalang-alang ang mga learners dahil sa pagbabago ng liderato ng Kagawaran.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay TDC national chair Benjo Basas – sinabi nitong dapat ay tuluy-tuloy pa rin ang mga programa para sa mga kabataan.

Read More:  DepEd set to launch active shooter drills in schools

Dahil dito – pasado rin daw ang kanilang ibibigay na grado kay VP Duterte.

Muli naman niyang sinabi na dapat ay hindi pulitiko ang susunod na kalihim.

Read More:  Senate court calls out prosecutor over ‘premature’ statement in Duterte trial

Sa ganitong paraan ay malalayo umano sa pulitika ang mga usapin at polsiya sa sektor ng edukasyon.

Dapat din umano’y galing ito sa akademya, ‘o ‘di kaya nama’y isang guro.