COMELEC, isinusulong na rin ang pagpo-post ng SOCE ng mga kandidato

Target na ring ipa-post ng Commission on Elections (COMELEC) ang Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga kandidato.

Bukod pa ‘yan sa na-approve ‘in principle’ ng COMELEC en banc na pagpo-post ng Certificates of Candidacy (COCs) sa kanilang website, upang maipakita umano sa mga botante ang kakayahan at mga impormasyon hinggil sa mga kandidato.

Read More:  Arroyo says she would oppose impeachment move vs Ombudsman Remulla

Sa panayam ng Brigada News FM Manila sa poll body chief na si Atty. George Garcia, sinabi nitong ang paglalathala ng SOCE ay bahagi pa rin ng isinusulong nilang transparency sa halalan.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Ayon kay Garcia, mahalagang malaman ng sambayanan kung saan nagmula at sino ang nag-donate ng mga pinanggastos ng mga kandidato.

Maliban dito, dapat din aniyang malaman kung ano-anu ang pinagkakagastusan ng mga ito.