Quiboloy sa supporters: ‘See you all soon’

Nagpasalamat si Apollo Quiboloy sa kanyang mga supporters.

Ito ay matapos niyang tuluyang mahuli, kasunod ng ilang linggong pagtatago sa mga otoridad.

Sa isang statement na inilabas ng Sonshine Media Network International (SMNI), nagpahayag ng “heartfelt gratitude” si Quiboloy sa lahat ng sumuporta sa Kingdom of Jesus Christ sa buong mundo.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Nagpasalamat din ito sa mga abogado at vloggers na tumindig kasama sila sa KOJC compound.

Inaasahan umano ni Quiboloy na makita ang lahat ng mga tagasuporta nito para sa isang blessed fellowship.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Mababatid na nasa kustodiya na ng Philippine National Police sina Quiboloy at 4 na iba pang kapwa nito akusado na sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, Cresente Canada, at si Sylvia Cemanes.