VP Sara ipagbabawal muna ang pagsasagawa ng mga extra-curricular activities sa paaralan

Inihayag ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na maglalabas ang ahensya ng mga panuntunan, kaugnay sa mga aktibidad na papayagan sa mga paaralan ngayong school year.

Sa gitna nito, pinaalalahan ni Duterte ang mga guro na tumutok sa academics para makahabol sa learning losses dahil sa pandemya.

Read More:  Teodoro on reported China ban: ‘I have no plans to go there’

Ayon sa Deped chief, nakasaad sa department order na dapat co-curricular at academic activities lang ang gagawin ngayon school year, habang ang mga extra-curricular activities ay ipagbabawal muna.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ilalatag rin umano sa order ang ang listahan kung paano tayo matutukoy ang extra-curricular ganun din ang co-curricular.

Dagdag nito, na ngayong taon ay wala munang Palarong Pambansa.