Dagsa ng mga kukuha ng cash educational assistance sa DSWD inaasahan sa Camarines Sur

NAGA CITY- Inaasahan ang pagdagsa ng mga kukuha ng cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development Office kaugnay ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa kabila ng target na 2,000 lamang ngayong Sabado sa Camarines Sur.

Ito ay ayon kay Pili , Acting Mayor Francis Belen. Aniya kahit na kasi sinabing hindi tatanggap ng walk-in marami pa rin ang nais pumila dahil sa pangangailangan pero pabago-bago aniya ang patakarang ibinababa ng DSWD at nadagdagan din ang requirements.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Binigyan diin niyang marami ang papabalik-balik sa Municipal Social Welfare Office pero ang malinaw aniya dapat ay may natanggap na text message at QR code.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Naaawa naman si Belen sa mga bumababa pa mula sa mga malalayong barangay o mula na sa mga bundok sa Pili para magtanong. Ang  iba aniya hindi naman nakakapag online at ng iba nga ay hindi marunog.

Asahan ang police visibility sa may kapitolyo lalo na sa Convention Center at sa ilang bahagi ng Pili para sa seguridad ay traffic management.