VP Sara, hinamon na pangalanan ang mga kaibigan na nagpalutang ng impeachment talks sa Kamara

Hinamon ni La Union Representative Paolo Ortega si Vice President Sara Duterte na pangalanan ang mga kaibigan na nagsiwalat ng umano’y nilulutong impeachment talks sa Kamara.

Sa pulong balitaan ngayong araw, sinabi ni Ortega na dapat ibunyag kung sino ang mga kaibigan ng pangalawang pangulo sa Mababang Kapulungan upang sila na mismo ang magkumpirma kung tama ang impormasyon.

Read More:  Teachers’ Group again calls for proper implementation of education programs

Duda rin si 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez sa pinalulutang na impeachment dahil masyado nang abala ang mga kongresista.

Sa katunayan, ang kadalasan aniyang naririnig mula sa mga mambabatas ay nahihirapan silang bumalik sa mga distrito dahil sa kaliwa’t kanang schedule tulad ng budget deliberations, concurrent committees, Bagong Pilipinas Serbisyon Fair aat Quad Committee.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Idinagdag pa ni Iloilo Representative Janette Garin na dapat sabihin na kung sino ang nang-iintriga upang malaman kung ito ay may “vested interest”, gustong mag-ingay o nililinlang si VP Sara.

Para naman kay Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong, “counterproductive” ang impeachment at magdudulot lamang ng gulo sa pulitika na makakaapekto sa positibong resulta ng mga naisakatuparang hakbang.