PETA, kinundena ang bagong leon ng Manila Zoo

Pinuna ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) ang Manila Zoo dahil sa umano’y pagdaragdag ng isang batang leon na pinangalanang Isla.

Nanindigan ang PETA na ang batang leon na ito ay dapat nasa tamang pangangalaga.

Ayon kay PETA Senior Vice President Jason Braker, kasama ang ilang mga Pilipino, hindi sila sang-ayon na ikulong ang isang batang leon sa naturang zoo.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Iginiit din ng grupo na paulit-ulit na ipinakikita ng Manila Zoo na hindi naman nito naaabot ang pinaka-basic standards sa pang-aalaga ng hayop sa kanilang mga kulungan.

Binigyang-diin pa ng PETA ang namayapang hayop na si Mali noong 2023 na namatay sa kanyang kulungan.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Pinaniniwalaang 48-49 taong gulang ito nang siya ay mamatay.

Sa gitna nito, patuloy ang panawagan ng publiko sa regressive na desisyon ng Manila Zoo na hindi makakalimutan ang malagim na sinapit ni Mali.

Ito ang dahilan kung bakit ganito lamang din ang pag-aalala ng mga tao para sa bagong leon na si Isla.