Suporta sa security guard na nakapatay sa lider ng isang criminal group, bumuhos

Bumuhos ang suporta sa isang security guard na bumaril at nakapatay sa isang lider ng isang criminal group sa Makati City.

Una nang pinarangalan ng Southern Police District ang gwardiya dahil sa dedikasyon nito, presence of mind, at “attentive fulfillment” sa kanyang duty noong nangyari ang panghoholdap.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Nito lamang August 17, ini-enroll ng Makati City Police Station ang gwardiya sa Alternative Learning System (ALS) program sa Maria Asuncion Rodriguez Tinga High School.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Nakatanggap rin ito noong August 20 ng cash incentives mula sa isang fraternity dahil sa katapangan at dedikasyon nito.

Sa ngayon ay nagsisilbing inspirasyon ang guwardiya dahil sa katapangan nito sa harap ng kagipitan.