VP Sara – halatang umiiwas at lumilihis umano sa mga isyung kinakaharap niya

Umiiwas at halatang lumilihis umano si Vice President Sara Duterte sa mga isyung kinakaharap niya ngayon.

Ito ang sinabi ni Zambales Representative Jay Khonghun kasunod ng mga naging pahayag ni VP Sara laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Sa panayam ng Brigada NewsFm Manila kay Zambales Representative Jay Khonghun, idiniin nitong halatang halata na dine-deflect ng Bise Presidente ang mga isyu laban sa kanya.

Giit pa ni Khonghun, nakitaan ito ng ‘gross negligence’ lalo na raw pagdating sa pag-disburse ng mga pondo.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Maliban dito, nakikita rin ng Congressman na may mga kakulangan at butas ngayon ang batas lalo na umano sa pag-liliquidate ng confidential funds.