Pinangunahan nina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo at Thai Foreign Minister Maris Sangiampongsa ang ika-6 na Philippines-Thailand Joint Commission for Bilateral Cooperation (JCBC).
Tinalakay rito ang iba’t ibang uri ng kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang JCBC ngayong taon ay mahalaga dahil ito ay ika-75 anniversary dimplomatic relations ng Pilipinas at Thailand.
Binibigyang-diin ni Sec. Manalo ang pagpapalakas ng kooperasyon sa depensa, seguridad, kalakalan, pamumuhunan, at turismo.
Nangako naman ang dalawang bansa na labanan ang transnational crimes, palakasin ang food security, at isulong ang renewable energy.
Sa pagtatapos, muling ipinaabot ni Sec. Manalo ang imbitasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Thai Prime Minister Paetongtarn Shinawatra na bumisita sa Pilipinas.