VP Sara, giniit na mahaba umano ang naging rason kung bakit siya bumitiw bilang DepEd Sec.

Inihayag ni Vice President Sara Duterte na mahaba ang kanyang naging rason sa pagbitiw niya bilang kalihim ng edukasyon.

Mayroon umanong personal, budget, at tungkol sa isyu sa Department of Education.

Read More:  Teodoro calls China coast guard collision international law violation

Ayon kay VP Sara hindi pa siya handang sabihin ang buong rason kung bakit siya nagbitiw.

Giit ni Duterte, sinubukan umano niyang itama ang nakita niyang mali pero wala aniya siyang nakuhang suporta at wala rin aniya siyang nakitang pagbabago.

Read More:  CBCP calls for effective anti-political dynasty law

Ito rin aniya ang isa sa naging rason kung bakit hindi niya nakayanang hawakan pa at pamunuan ang DepEd.