Guilty sa kasong perjury ang hatol ng San Fernando Pampanga Municipal Trial Court Branch 4 kay dating Philippine Drug Enforcement Agency Jonathan Morales.

Base sa desisyon ng Korte, sinentensiyahan si Morales na makulong ng hanggang sa apat na buwan at multang isang libong piso.
Nag-ugat ang kaso noong nagta-trabaho pang agent ng PDEA si Morales noong 2011 dahil sa pagbibigay nito ng maling testimonya laban sa dalawang drug suspect na Chinese nationals.
Matapos ang ilang buwan ay binawi at binaligtad ni Morales ang kanyang mga salaysay laban sa dalawang suspek at sinabing pinilit lang siya ng kanyang superior.
Hindi naman kumbinsido ang Korte sa depensa ni Morales at hindi rin ito nagpakita ng anumang takot sa sariling kapakanan kung totoong pinilit lamang siya.
Mababatid na inakusahan ni Morales si Pangulong Ferdinand Marcos Jr at aktres na si Maricel Soriano kaugnay sa PDEA leak.