VP Sara Duterte, pinayuhang ipaliwanag ang tunay na dahilan ng pagliban sa ikatlong SONA ni PBBM

Kailangang magpaliwanag si Vice President Sara Duterte sa publiko kung bakit hindi siya dadalo sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ito ang binigyang-diin ni Tingog Party-list Representative Jude Acidre matapos ang kumpirmasyon ni VP Duterte at ang pahayag ukol sa “designated survivor”.

Ayon kay Acidre, dapat ipaliwanag ng pangalawang pangulo kung bakit hindi ito makakapunta sa Batasan Pambansa para sa SONA sa halip na magtago sa mga biro lalo’t alam ng mamamayan na mayroong kakaibang nangyayari.

Read More:  Senate to convene as impeachment court vs VP Sara Duterte on May 18

Dumistansya na aniya si Duterte mula sa “UniTeam” at nagbitiw bilang kalihim ng Department of Education kaya tiyak na mayroong nangyayari.

Read More:  DILG prepares 10K force for possible Bato arrest

Punto ng kongresista, maaari namang mamili ng dadaluhang okasyon si VP Sara ngunit bilang paggalang kay Pangulong Marcos at alang-alang sa kanilang naging samahan ay dapat makita ang presensya nito sa SONA.

Buwelta pa ni Acidre na marahil ay iniisip din umano ng mga Pilipino, kung gusto ay may paraan at kung ayaw ay maraming dahilan.