CIAC, planong magtayo ng Clark Arena na ‘Taylor Swift ready’

Inanunsyo ni Clark International Airport Corporation o CIAC President at CEO Arrey Perez sa Build Better More Forum na target ng kanilang ahensya na magkaroon ng ‘Taylor Swift ready’ facility.

Ayon kay Perez, marami nang local at international investors ang interesadong magtayo ng stadium malapit sa Clark International Airport.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Ang balak na entertainment at event center o Clark Arena ay magkakaroon ng seating capacity na 25,000 hanggang 35,000.

Ito raw kasi ang ideal capacity na madaling ibenta sa mga event organizer.

Read More:  ICC Prosecutors submit 6,909 evidence pieces against former President Duterte

Inaasahan ng CIAC na makakatanggap sila ng mga proposal ngayong taon at kapag masimulan ang konstruksyon sa taong 2025, inaasahang matatapos ito sa taong 2028.

Pagsusumikapan naman daw ng CIAC na makuha si Taylor Swift para mag perform sa itatayong Clark Arena.