‘Huwag kayong mag-alala sa akin’.
Ito ang naging laman ng isang mensahe ng pasasalamat ni Vice President Sara Duterte para sa mga sumuporta sa kaniya nang tanggalan ito ng security details ng PNP.
Sa isang mensahe, pinasalamatan nito sina Senators Bato del Rosa, Christopher ‘Bong’ Go, at Robinhood Padilla.
Pinasalamatan din niya ang ilang AFP at PNP personnel na nagpahayag ng kaniyang suporta.
Sabi ni VP Sara, hindi raw sila dapat mag-alala; at lalong ‘di na nila kailangang mag-ambagan ng pera para sa kaniyang seguridad.
Umapela’t nanawagan naman siya ng kaligtasan sa kaniyang pamilya.
Aniya, dapat ay matiyak ito, mapa-personal man, ‘o kahit sa internet.