NAGA CITY – Muling nakahuli ng malusog at nasa isang metrong haba, ang Naga City Environment and Natural Resources ng isang Philippine Cobra sa isang bahay sa Barangay Cararayan.
Kung saan nakita ng may-ari na nasa kanilang lababo, na kaagad namang ipinaabot sa opisina.
Sa panayam kay Alex San Jose, Officer In Charge – Chief Watershed Management Division, hinihinalang binaha ang tirahan nito o kaya naman nanghabol ng daga na ang direksyon patungo sa bahay, na mabuti na lamang ay hindi ginalaw ng may-ari. Matatandaan, isang Philippine Cobra rin ang nahuli sa isang bahay sa Barangay San Felipe.
Dagdag pa ng opisyal, sa tuwing makakakita ng ahas laging iisipin na ito ay makamandag katulad ng isang Philippine Cobra na nakakamatay kung makatuklaw, i-report lamang sa opisina, at panatilihing malinis ang bahay o paligid.
Sa ngayon ibabalik muli sa kabundukan ang ahas, na nakakatulong sa ecosystem. Wala naman nasaktan o kahit ang mismong ahas.