DWPH – aminadong wala pa sa kalahati ang natatapos sa flood control master plan

Inamin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na malayo pa sa katotohanan ang completion ng flood management master plan sa Metro Manila.

Maaalalang sunud-sunod kasi ang kumalampag sa ahensya, matapos ang naranasang matinding pagbaha dahil sa nagdaaang mga bagyo at habagat.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sa isang panayam, sinabi ni Public Works Secretary Manny Bonoan na wala pa raw sa 30% ang completion nito.

Aniya, marami pa raw kasing mga ‘components’ sa naturang master plan.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Mula raw nang pumasok ang adminsitrasyon ay halos wala pa talagang nasimulan.

Maaalalang ang naturang master plan ay higit sa isang dekada nang umiiral.

2012 nang maaprubahan ang P351-billion flood management plan.