CDRRM Naga City naghahanda na sa Oplan Balik Eskwela 2024

NAGA CITY- Naghahanda na ang City Disatser Risk Reduction and Management Office sa paparating na pagbubukas ng Academic Year 2024-2025.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay CDRRM Officer Erning Elcamil, sinabi nitong katunayan may ilang paaralan na nang nauna nang nagbalik eskwela dahil nauna rin namang nagbakasyon, partikular na ang pribadong paaralang pang elementarya.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Aniya , makikipag ugnayan na sila sa Department of Education, Naga City Division upang maassess ang mga pasilidad at lagay ng mga paaralan. Kasama rito ang pagtitiyak na malinis ang inuming tubig at maayos na paghahanda ng pagkain sa canteen.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Sa DepEd Order No. 008, s. 2024 na pirmado pa noon ni dating DepEd Secretary Vice President Sara Duterte na aprubado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, Hulyo 29 ang balik-eskwela.