Inaasahan na ng gobyerno ang paghahain ng extradition request ng US para sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader na si Apollo Quiboloy.
Ito ay matapos ngang tuluyang mahuli na si Quiboloy kahapon.
Ayon kay Remulla, inaasahan nila ang naturang request dahil nasa kostudiya na si Quiboloy.
Dapat din aniyang tandaan na may kasunduan ang bansa kasama ang Amerika na bahagi sa ‘law of the land.’
Mababatid na noong Novermber 2021, pinaratangan ng US prosecutors si Quiboloy at ang iba pa para sa umano’y pagpapatakbo ng sex trafficking operation na nagbabanta sa mga biktimang nasa 12-taong gulang, na may “eternal damnation” at physical abuse.
Samantala, nanindigan din ang kalihim na dapat harapin ng televangelist ang mga kaso nito sa bansa, lalo pa’t naging mahirap ang ginawang operasyon ng mga pulis para tuntunin ito.
Makikipag-usap din umano siya kay Executive Secretary Lucas Bersamin hinggil sa posibleng extradition request.