PH, inaasahang makakakuha ng 16M doses ng COVID-19 vaccines ngayong buwan

Inaasahan ng Pilipinas na makakatanggap ng kabuoang 16 million doses ng COVID-19 vaccines ngayong buwan, kung saan mahigit 3 million na ang dumating nitong nakalipas na mga araw.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, na co-chairman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, na hanggang sa katapusan ng Hulyo, ang bansa ay makakatanggap na ng 32 o 33 million vaccine doses sa kabuoan, simula ng first delivery noong Feb. 28.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Mula sa naturang bilang, 10.4 million doses ang binili ng gobyerno, pitong milyong doses ang mula sa COVAX facility, mahigit dalawang milyon mula sa bilateral donations, habang ang natitira ay mula sa initial deliveries ng LGU at private sector-procured doses.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Mababatid na ang huling batch ng mga bakuna na dumating sa bansa ay ang 37,800 doses ng Sputnik V vaccine, noong Sabado ng gabi, 132,200 doses rin ng kaparehong brand ang dumating noong Biyernes, kasabay ang mahigit 2 million doses ng AstraZeneca vaccine mula sa COVAX facility, at isang milyong doses na ibinigay ng Japan noong Huwebes. // MHEL PACIA-TRINIDAD