Very much welcome ang mga bisita.
Ito ang binigyang-diin ni former Vice President Leni Robredo kasunod ng pagpunta sa kanila ng ilang mga opisyal ng gobyerno.
Paliwanag ni Robredo, lahat naman ay welcome sa kanila, at walang pulitikang tinitingnan.
Dagdag pa nito, politically neutral silang lahat.
Mula aniya naging mayor ang kanyang yumaong asawa noong 1988, sadyang marami nang bumibisita sa kanilang tahanan.
Tuwing may sumasadya umano para kay ‘ina’ para sa pista ng Peñafrancia, welcome ang sinuman sa kanilang bahay.
Kung maaalala – ilan sa mga bumisita kay VP Leni ay sina Vice President Sara Duterte, Interior Sec. Benhur Abalos, at si Senador Bong Revilla.