VP Leni, di makadadalo sa Comelec Forum; BBM, hinamon sa debate

Nagpasya na si Vice President Leni Robredo na hindi na nito pauunlakan pa ang last-minute invitation ng Commission on Elections at ng KBP para sa presidential forum/panel interview.

Sa isang pahayag, sinabi ni Robredo na hindi na ito makadadalo pa para raw makapiling ang mga volunteers sa kanyang kampanya.

Kasabay nito, iginiit ng presidential candidate na mayroon na lamang iisang kandidato na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin humaharap sa mga debate kasama ang iba pang mga presidentiables.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Wika ni Robredo, mahalaga raw sanang makumpleto ang mga presidential candidates nang sa gayon ay masuri ng publiko ang kanilang pipiliing kandidato at marinig ang kanilang vision para sa bansa.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Dahil dito, hinamon ni Robredo si dating Senador Bongbong Marcos sa isang debate.

Sa ganitong paraan umano ay mabibigyan ang taumbayan ng pagkakataon na makaharap si Marcos at makasagot sa mga kontrobersyang pumapalibot sa kanya.

Hamon ng VP, handa siyang harapin si BBM, anumang oras, o anumang venue para sa debate.
#