Voter education, palalakasin ng Comelec at TESDA

Lumagda sa isang kasunduan ang Commission on Elections (Comelec) at ang TESDA para sa voter education kasabay ng nalalapit na 2025 national and local elections (NLE).

Ayon kay Comelec chairman George Erwin Garcia, sa ilalim ng Memorandum of Agreement, ii-integrate ang voter education sa TESDA curriculum.

Ipo-promote ito sa pamamagitan ng pre-taped seminars, at orientations hinggil sa registration process at requirements, at iba pang mahahalagang impormasyong kinakailangan sa pakikiisa sa halalan.

Ani Garcia, hindi kaya ng Comelec na isagawa nang mag-isa ang eleksyon.

Ang business aniya ng Comelec ay hindi lang business ng ahensya, kung ‘di business ng buong bansa.

Binigyang-diin nito na dapat ay may whole of nation approach pagdating sa botohan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *