Pulisya sa Naga City mananatili sa mga barangay para sa seguridad ngayong darating na pasukan

NAGA CITY – Patuloy na magbabantay ang mga pulis na dati ng naka-assign sa mga bara-barangay sa Naga City lalo na ngayong darating na pasukan para matiyak ang seguridad ng mga estudyante at ng mga guro, ayon kay City Councilor Melvin Ramon “Omar” Buenafe, chairman ng Committee on Peace and Order at Public Safety sa konseho.

Sinabi niya sa Brigada News FM Naga na hindi aalisin ang mga pulis na naka destino sa mga barangay, bagkus ay lalo pang paiigtingin ang pagbabantay ng mga ito, katuwang ang mga barangay opisyal at tanod sa mga paaralan.

Importante ang police visibility sa mga paaralan hindi lang sa pangangalaga sa seguridad, kundi sa mas madaliang pag responde sa anumang kaguluhan at lalo na sa aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *