Senadora – tiniyak na ipapahanap at ipapaaresto si ‘Guo Hua Ping’ a.k.a. ‘Alice Leal Guo’ upang mapadalo sa susunod na pagdinig

Kinumpirma ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Chairperson, Risa Hontiveros na ipapasilbi nila sa Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) ang arrest warrant ni ‘Guo Hua Ping’ a.k.a. ‘Alice Leal Guo’ sa kanyang pinaka-known address.

Samantala, kung hindi umano ito makita sa gagawing pagsilbi sa kanyang address ay tiniyak ng senadora na ipapahanap nila ito upang tuluyang mapaaresto maging ang ilan pang indibidwal na tumangging humarap sa naging pagdinig kahapon sa kabila ng inihaing subpoena laban sa kanila.

Sa kabilang banda, ipinunto ni Hontiveros na maituturing na kabastusan sa Senado at maging sa bawat Pilipinong sumusunod sa batas at lumalaban nang patas ang ginawang hindi pagharap ng mga ito sa pagdinig.

Maalala, matapos ang naging pagdinig, umabot sa walong indibidwal ang pina-cite in contempt o pinaaresto ng nasabing komite kung saan kabilang na rito si Guo at maging kanyang mga kapatid.

Samantala, nasa labinglimang personalidad naman ang pinasisilbihan ng subpoena dahil sa hindi pagdalo sa naging pagdinig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *