CAMARINES NORTE- Isinagawa ang Voluntary Mass Blood Donation sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte kahapon sa Jimmy P. Lo Sports Complex.
Marami- rami ring Mercedeno ang tumugon sa panawagang mag donate ng dugo sa pagtutulungan ng Department of Health at Lokal na Pamahalaan.
Ang mobile blood donation ay regular na ginagawa kada quarter ng taon at ito na ang huli para ngayong taon.
Mayroong target na dapat maabot ang LGU para sa isang taon.
Napapanahon ang ganitong mga mobile blood donation drive upang makatugon sa kaulangan ng suplay ng dugo sa bansa.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay umapela ng tulong ang Philippine Blood Center dahil bumaba ang suplay dugo.
Hindi kasi nakapagsagawa ng mobile blood donation drive sa kasagsagan ng quarantine restriction dahil napilitan ang mga donors na manatili sa kanilang bahay.
Kabilang sa mga lubhang nangangailangan ng dugo ay ang mga buntis, mga pasyenteng sumasailalim sa operasyon, mga naaksidente at iba pa.
