Noche Buena products at iba pang produkto tampok sa dalawang araw ng Diskwento Caravan ng DTI Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Ilang araw bago magpasko ay nagsasagawa ngayon ng Diskwento Caravan ang Department of Trade and Industry sa lalawigan ng Camarines Norte na nagsimula kahapon at magtatapos ngayong araw.

Ayon kay DTI Provincial Information Officer Gary Rafanan tampok sa Diskwento Caravan ang iba’t- ibang mga produkto tulad ng CDO products, fresh chicken, frozen goods at grocery items at marami pang iba.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Mayroon ding mga patok na panregalo ngayong pasko tulad ng mga damit, gamit sa bahay, kakanin at iba’t iba pang mga produktong gawa sa lalawigan ng Camarines Norte.

Siniguro ni Rafanan na discounted ang presyo na mabibili ng mga consumer sa presyong wholesale.

Ginagawa umano ito ng ahensiya para makapag offer ng mga produkto sa mababang halaga na mas mababa pa sa Suggested Retail Price.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ginaganap ang diskwento caravan sa harap lamang ng DTI Provincial Office, Central Plaza Complex dito sa bayan ng Daet.

Ito na ang huling Diskwento Caravan ng DTI para sa taong ito.

Matatandaan na dinala ang ganitong aktibidad sa iba’t- ibang bayan ng Camarines Norte noong mga nagdaang buwan.