Target na mabakunahan ng Camarines Norte para second leg ng National Vaccination Days nasa 78, 150

CAMARINES NORTE- Aabot sa 78, 150 ang target ng lalawigan ng Camarines Norte na mabakunahan para sa second leg ng National Vaccination Days sa December 20- 22 ng taong kasalukuyan.

Batay ito sa datos ng Department of Health na iprinisenta sa isinagawang media dialogue nitong Huwebes.

Mas mababa ito sa 123, 266 na target sa unang pag arangkada ng National Vaccination Days noong November 29- December 1.

Mababatid na naipagpaliban ang ikalawang leg ng national vaccination days sa rehiyon dahil sa bagyong Odette na dapat sana ay ngayong December 15- 17.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Gayunman, sinabi ni DOH Bicol Regional Director  Dr. Ernie Vera na hindi naman tumigil sa pagbabakuna ang mga LGU sa rehiyon kahit natapos na ang unang leg ng pambansang bakunahan.

Halimbawa na lamang sa Camarines Norte Provincial Hospital at sa mga LGU ay tuloy- tuloy ang pagbabakuna.

Kaugnay nito ay muling umapela ang DOH sa lahat na magtulungan upang maabot na ang herd immunity.

Isa umano ang bakuna sa paraan upang magkaroon ng ligtas na pagdiriwang ng pasko at bagong taon.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Inilatag din ni Vera ang iba pang safety tips ngayong holiday season.

Kabilang dito ang pagkakaroon ng “healthy” handaan, pagsunod sa health protocols at pagbabakuna.

Pinapaiwas din ang publiko sa mga paputok sa halip ay gumawa na lamang aniya ng alternatibong pampaingay.

Nagbabala rin si Vera na posibleng magkaroon ng surge ng COVID- 19 pagkatapos ng pasko kaya mahalaga umano ang pagsunod sa health protocols.