Tuluyan nang sinibak ng Los Angeles Lakers ang kanilang head coach na si Frank Vogel matapos ang tinagurian ng mga fans bilang ‘most disappointing season’ sa NBA history.

Sa kabila kasi ng all-star caliber players sa pangunguna nina Lebron James, Russel Westbrook, Carmelo Anthony at Anthony Davis, bigong pumasok sa playoffs ang naturang koponan.
Sinibak si Vogel eksakto 18 buwan matapos pamunuan ang Lakers sa ika-17 titulo ng prangkisa sa kanyang unang season bilang head coach.
Subalit pagkatapos ng championship season wala nang tumama sa sumunod na dalawang season para sa mga rosters na binuo ni general manager Rob Pelinka.
“Frank is a great coach and a good man,” ayon sa inilabas na press statement ni Pelinca.
“We will forever be grateful to him for his work in guiding us to the 2019-20 NBA championship.”