LEGAZPI CITY – ‘Full slots’ na ang aplikasyon para sa Civil Service Examinations sa darating na June 19, 2022.
Ito ang kinumpirma ni Director IV Daisy Punzalan Bragais ng Civil Service Commission Regional Office V sa panayam ng Brigada News FM Legazpi, kasabay ang paghingi ng dispensa sa mga hindi nakapasok sa ‘onsched link’ sa nasabing aplikasyon.
Aniya, humigit kumulang 300 na applikante lang ang pwedeng mag-apply simula ngayong unang araw April 12, hanggang sa April 28, 2022.
Dagdag pa rito, 12 examinees lang ang pwedeng makapasok sa testing centers na dati ay 25 examinees, ito ay pagsunod ng ahensya sa Inter-Agency Task Force o IATF.
Samantala, kinumpirma din ni Regional Director Bragais na sa ibang lalawigan dito sa Bicol ay puno na din ang ‘slots’.