Vloggers, nais i-acredit sa Palasyo ng susunod na PCOO

Pinag-aaralan na umano ngayon ni incoming press secretary Trixie Cruz-Angeles ang pagbibigay na rin ng accreditation sa mga bloggers para makapag-cover sa Palasyo.

Sa #LagingHanda press briefing, sinabi ng susunod na PCOO secretary na dapat may maimbitahan na rin ang mga bloggers at vloggers na makapag-cover sa mga idaraos na press briefings ng susunod na presidential spokesperson at sa mga pulong balitaan ni President-elect Bongbong Marcos.

Read More:  5 senators urge Bato to face ICC without Senate cover

Sinabi rin nito na mas mapadadalas pa sa ngayon ang mga pulong balitaan sa Palasyo.

Read More:  Yellow and red alerts raised over Luzon grid

Sa ngayon aniya, aaralin nila ang mga umiiral na polisiya sa pagko-cover sa Malakanyang para malaman kung mayroon pang mga dapat baguhin dito.

Matatandaang bago italaga si Angeles, dati na rin itong blogger sa page na pinamagatang ‘Luminous’ at naging social media consultant na rin sa PCOO.
#