Bagong kaso ng omicron subvariants sa bansa, ‘di dapat ikabahala – health expert

Naniniwala si infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante na hindi pa dapat mabahala ang publiko hinggil sa mga panibagong na-detect na kaso ng Omicron BA.2.12.1 subvariant sa Western Visayas; pati na rin ang naitalang bahagyang pagtaas sa reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila.

Sa #LagingHanda press briefing, sinabi ni Solante na sa ngayon ay hindi pa rin dapat ikaalarma ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 lalo na’t hindi pa ito magdudulot ng pagpuno sa mga healthcare facilities sa bansa.

Paliwanag nito, hindi severe ang idinudulot na sintomas ng bagong variant na ito kaya naman malabong maging kritikal muli ang level ng hospitalization rate sa Pilipinas.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Maliban pa rito, dapat na rin aniyang tanggalin ang ’emergency label’ sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa dahil mababa na ang bilang ng mga kaso nito sa Pilipinas.
#

Roll out ng 2nd booster sa mga mayroong comorbidities

Umaasa si infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante na maisasama na rin sa rollout ng ikalawang booster shot ang mga Pilipinong mayroong comorbidities.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Sa ngayon kasi, tanging ang mga immunocompromised indivudals, healthcare workers, at mga senior citizens ang pinapayagang magpa-2nd dose ng booster shot ng bakuna kontra COVID-19.

Sa #LagingHanda press briefing, sinabi ni Solante na napapanahon na para palawigin ang mga eligible population ng ika-apat na dose ng bakuna o ang 2nd booster shot.

Ipinunto ni Solante ang kahalagahan nito lalo na’t marami namang suplay ng bakuna ang Pilipinas.

Sinabi nito na maging ang mga taong mayroong comorbidity ay mayroong pa ring mataas na risk ng sever infection sa oras na madapuan ito ng COVID-19.
#