NAKIHATAW ang content creator na si Toni Fowler sa stage ng noontime show na “It’s Showtime”.
Nito lamang Martes, sa opening number ng show ipinakita ng content creator kasama si Jakie at grupong Baby Dolls kung paano maging isang dancer ng programang “It’s Showtime”.
Matapos ang tagisan ng gilingan sa pagitan ng mga dancer, nagpasalamat si Toni sa pagkakataon na binigay sa kanya para muli makatanghal sa naturang programa.
Ani toni, walang palagyan ang kaniyang saya na nararamdaman at lubos ang pasasalamat sa suportang binibigay ng madlang pipol sa kaniya na isa sa naging tulay upang muling makapagperform sa nasabing programa.
Matatandaan, dati na siyang naging backup dancer sa noontime show taong 2009 na tumagal ng tatlong taon.
Sa ngayon, mapapanood si Toni Fowler bilang Chicky sa teleseryeng “FPJ’s Batang Quiapo” mula lunes hanggang biyernes ng gabi.### JONADEL GALLEGO, Intern