Positibo si Senator Cynthia Villar na ang pagpapalabas sa P75-billion coco levy funds ay makakatulong sa development ng coconut industry ng bansa, maging ng 3.5 million na mga magsasaka na makakabenepisyo mula sa nilagdaang Executive Order 172 o ang Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Villar na siyang chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food, na ito ay marka ng pagtupad ni Duterte sa kanyang pangako na ibabalik ang coco levy funds sa kanilang tunay at rightful owners o sa mga magsasaka ng niyog.
Dahil dito, nagpapasalamat ang senadora sa pangulo, dahil sa legasiyang iiwan nito sa industriya ng niyo at sa mga Pilipinong magsasaka.

Nabatid na ang Pilipinas ay ang ikalawang pinakamalaking producer ng niyog sa buong mundo, sunod sa Indonesia, kung saan ang Davao Region ang top coconut-producer, na nag-aambag ng 14.4 percent sa total production ng bansa.
Mula December 31, 2020, tinataya ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na ang kabuoang coco levy cash assets ay nasa P113.88-billion, kung saan P76.4-billion ay cash. //MHEL PACIA