Phivolcs sa publiko: Bawal ang pagpasok sa 4-km radius PDZ ng Mt. Bulusan

Pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko at mga local government units na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng Bulkang Bulusan.

Kaugnay nito, kailangan ring ipatupad ang pag-iingat sa 2-kilometer Extended Danger Zone sa southeast sector.

Read More:  Mark Villar joins Senate majority bloc, raising membership to 14

Nagbabala rin ang ahensya na ang paglipad malapit sa bunganga ng naturang bulkan ay mapanganib, dahil maaring makasira sa aircraft ang abo nito.

Read More:  COMELEC warns of BSKE delays if Supreme Court issues TRO

Samantala, ang mga nakatira naman sa paligid ng ilog o stream channels, lalo na sa southeast, southwest at northwest sector ng edifice, ay kailangan rin umanong maging vigilant laban sa sediment-laden stream flows at lahars sa oras ng malakas at matagal na pag-ulan. //MHEL PACIA