Duterte, hiniling sa PCG na makasama papuntang West PH Sea

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Coast Guard (PCG) na maimbitahan siyang makapaglayag sa West Philippine Sea, kahit na malapit nang magtapos ang kanyang termino sa June 30, para igiit ang karapatan ng bansa sa pinag-aagawang teritoryo.

Ang pahayag ni Duterte ay matapos na maghain ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic protest laban sa China dahil sa kanilang ilegal na aktibidad sa Ayungin Shoal, na bahagi pa ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Sa kanyang talumpati sa commissioning ng bagong Barko ng Pangulo ng Pilipinas (BRP) Melchora Aquino ng PCG, umaasa ang pangulo na makakasama parin niya ang PCG, kahit na wala na ito sa pwesto.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Sa gitna nito, umaasa ang pangulo na mapagbibigyan ang kanyang hiling.

Ayon kay Duterte, inabisuhan niya si Chinese President Xi Jinping na hindi bibitwan ng Pilipinas ang kahit alinman sa teritoryo. //MHEL PACIA