Vietnamese fishing vesselsa Pag-asa island, itinaboy ng Coast Guard District Palawan

Kinumpirma ng Coastguard District Palawan ang namataang Vietnamese fishing vessel sa karagatan ng Pag-asa Island.

Ayon kay LTSG GRETCH MARY B. ACUARIO, Public Information Officer ng CGDPal , isang buwan na ang lumipas nang huli itong namataan ng lokal na mangingisda pero nagpapabalik- balik kaya paulit-ulit din na itinaboy.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Itinaggi ni Ltsg. Acuario na nagsagawa ng cyanide at dynamite fishing ang mga Vietnamese sa palibot ng isla.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sa kabila nito, tiniyak ng Coastguard District Palawan na hindi banta sa mga lokal na mangingisda ang kanilang presensya.

Samantala, patuloy naman ang security patrol ng coastguard sa isla kasama ang ibang unit.