Muling nanguna ang Pilipinas sa listahan ng mga pinakamapanganib na bansa sa buong mundo sa ikatlong pagkakataon.
Sumasaklaw ang World Risk Index sa 193 bansa, kabilang ang lahat ng mga kasaping estado ng United Nations at 99% ng populasyon ng mundo.
Dumaan sa assesment ang mga bansa batay sa kanilang exposure, vulnerability, susceptibility, kakulangan sa coping capacities, at kakulangan sa adaptive capacities sa mga krisis.
Kasunod ng Pilipinas sa listahan ang Indonesia, India, Colombia, at Mexico.
Samantala, ang mga bansa namang may mga mababang WRI o yung mga lugar na kinokonsiderang hindi mapanganib ay ang Monaco, Andorra, San Marino, Luxembourg, at Sao Tome and Principe.